China at Thailand, magkakaroon ng joint military exercises

By Kathleen Betina Aenlle May 14, 2016 - 05:19 AM

China_flag_Sisimulan na ng China at Thailand ngayong buwan ang kanilang joint military exercises na kabibilangan ng land and sea operations, at ilang mga pagsasanay.

Ito ay gagawin ng dalawang bansa upang mas palakasin ang ugnayan nila sa isa’t isa nang magkaroon ng coup noon pang 2014 sa Thailand.

Mula May 19 hanggang June 10, tututok ang military exercises ng China at Thailand sa pagsasanay sa humanitarian relief operations at maritime transport.

Naging malamig naman ang ugnayan ng Thailand sa US simula nang patalsikin ng mga militar ang pamahalaan dalawang taon na ang nakalilipas, dahilan para i-downgrade ng US ang kanilang military exercises kasama ang nasabing bansa.

Ayon pa sa US, ibabalik lamang nila ang kanilang mga programa sa Thailand pagkatapos ng general elections na ayon sa mga militar ay gaganapin sa susunod na taon.

Maganda ang koneksyon ng China at Thailand, dahil hindi tulad ng Pilipinas, Vietnam, Taiwan at Brunei, hindi sila nagkaka-agawan ng teritoryo sa South China Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.