Dating Sen. Bongbong Marcos tinanggihan ang isang presidential forum

By Jan Escosio February 03, 2022 - 12:34 PM

Tinanggihan ni dating Senator Bongbong Marcos ang imbitasyon ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na makibahagi sa isang forum para sa lahat ng presidential aspirants.

 

Sinabi ni KBP President Herman Basbaño na nagpasabi na ang kampo ni Marcos na may ‘conflict of schedule’ sa forum na naitakda bukas.

 

Bukod kay Marcos, ayon pa kay Basbaño, inimbitahan din sina Vice President Leni Robredo, Sens. Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Domagoso, at labor leader Leody de Guzman.

 

Aniya ang lahat maliban lang kay Marcos ay tinanggap ang kanilang imbitasyon.

 

“May letter naman sila declining the invitation. I think it was because of some conflicts sa schedules nila,” sabi pa ni Basbaño, na sinabi din na inirerespeto nila ang desisyon ni Marcos.

 

Una nang tinanggihan ni Marcos ang isa pang forum sa isang TV network sa katuwiran na bias laban sa kanila ang host.

 

Noong nakaraang linggo, hindi din nakapanayam si Marcos sa isang istasyon ng radyo sa kadahilanan naman na pangit ang linya ng komunikasyon sa kinalalagyan niya sa Davao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.