Sen. Ping Lacson may solusyon sa mataas na presyo ng produktong-petrolyo

By Jan Escosio February 02, 2022 - 11:42 PM

Kapag pinalad na mahalal na susunod na pangulo ng bansa, may plano na ang administrasyong-Ping Lacson para masolusyonan ang mga problema sa mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.

Ayon kay Lacson magagawa agad ang pagbusisi muli sa mga batas sa buwis sa langis gayundin ang pagtuklas pa ng mga alternatibong mapapagkuhanan ng enerhiya.

Sinabi pa nito nito na maaring pag-aralan muli ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law para masuspindi ang paniningil ng mas mataas na excise tax.

“Malaking bagay ang pag-suspend ng tax rate at binalik sa rate kung saan ang araw na na-suspend, hindi na aakyat. Yan, isang magandang solusyon,” sabi nito.

Magreresulta ito aniya ng konting ginhawa sa mga motorista at sa mga nakasalalay ang kabuhayan sa mga produktong petrolyo.

Bukod dito, uubra din ang joint exploration sa West Philippine Sea para sa alternatibong mapapagkuhanan ng enerhiya at ang hatian ang 60-40 na nakasaad naman sa Saligang Batas ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.