Sen. Imee Marcos pinuna ang lumitaw na mga ‘butas’ sa mock elections ng Comelec

By Jan Escosio February 02, 2022 - 10:49 PM

Nangangamba si Senator Imee Marcos na maraming botante ang hindi makakaboto sa papalapit na eleksyon base sa nagsulputang problema sa ikinasang ‘simulation mock elections’ ng Commission on Elections (COMELEC).

Kabilang sa mga pinuna ni Marcos ay ang paghahanap ng pangalan at voting precint, pagpapadala ng boto dahil sa mahinang internet signal, maging ang mahabang oras ng pagpila para makaboto.

Napansin din niya ang pagsisiksikan ng mga botante sa mga presinto.

Bunga nito, ang suhestiyon ng namumuno sa Senate Committee on Electoral Reforms ay ipadala na ng Comelec sa mga botante ang numero ng kanilang presinto.

Dagdag pa ni Marcos dapat ay maglabas na rin ang Comelec ng guidelines sa pangangampaniya ng mga kandidato para matiyak na hindi magiging ugat pa ito ng hawaan ng COVID 19.

Kinuwestiyon din nito ang bahagi ng Department of Health sa pagpapatupad ng health protocols sa mga presinto.

“Ano nga ba talaga ang participation ng DOH, parang bitin ang imposition ng COVID-19 protocols? Dahil sa umpisa pa lang, nagka-ka-overcrowding, nagtitipon-tipon, nag-aantayan ang mga tao para umalis. So, what exactly was the participation of DOH  kasi yung inaasahan natin Deped, marshall, yung Barangay personnel. Kulang yata ang COVID protocols,” puna pa ni Marcos.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.