Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 176,053

By Angellic Jordan February 01, 2022 - 04:14 PM

Unti-unting bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

May naitalang 9,493 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (February 1), pumalo na sa 3,569,665 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 176,053 o 4.9 porsyento ang aktibong kaso.

Nasa 51 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 54,054 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 24,210 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,339,558 o 93.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.