Masangsang na amoy ng tone-toneladang medical waste ng Quezon Medical Center, daing ng mga residente

January 31, 2022 - 03:50 PM

Kasabay ng pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon, nangangamba ang mga residente na makakuha ng iba pang sakit dahil sa tone-toneladang madical waste sa Quezon Medical Center (QMC).

Nagreklamo na ang ilang residente sa pamunuan ng naturang ospital.

Naaalarma rin ang mga kamag-anak ng mga pasyente at mga motorista na napapadaan sa likurang bahagi ng QMC.

Matagal na umanong nakatambak ang medical wastes sa loob at labas ng hazardous waste storage facility ng ospital sa hindi pa malamang rason.

Bunsod nito, humiling ang mga residente kay Governor Danilo Suarez na aksyunan ang naturang problema sa QMC.

TAGS: InquirerNews, QuezonMedicalCenter, RadyoInquirerNews, InquirerNews, QuezonMedicalCenter, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.