Pilipinas, nakapagtala ng 14,546 na bagong kaso ng COVID-19
May naitalang 14,546 na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (January 31), pumalo na sa 3,560,202 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 190,818 o 5.4 porsyento ang aktibong kaso.
Nasa 112 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,003 o 1.52 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 26,500 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,315,381 o 93.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.