Bilang ng mga fully-vaccinated laban sa COVID-19 sa bansa, higit 58.79-M na

By Angellic Jordan January 31, 2022 - 01:19 PM

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Umabot na sa 58,793,555 ang bilang ng mga fully vaccinated na indibiduwal sa Pilipinas laban sa COVID-19.

Base pa sa National COVID-19 Vaccination Dashboard hanggang January 30, 60,341,424 na ang nakatanggap ng first dose habang 7,335,559 naman ang booster dose.

Bunsod nito, 126,470,538 na ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 vaccine dose na na-administer sa bansa.

Samantala, sa datos hanggang January 28, sinabi ni Presidential spokesperson Karlo Nograles na 12.74 milyong indibiduwal sa 12 hanggang 17 na age group, 7.5 milyon o 59 porsyento na ang fully vaccinated.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na magpabakuna upang maprotektahan kontra sa nakahahawang sakit.

TAGS: COVIDbooster, COVIDresponse, COVIDvaccination, InquirerNews, RadyoInquirerNews, COVIDbooster, COVIDresponse, COVIDvaccination, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.