Pagpapalit ng script, nangyari na noong 2013 elections

By Dona Dominguez-Cargullo May 13, 2016 - 04:23 PM

HASH CODE EDITEDNagpalit na rin ng script ang Smartmatic noong 2013 elections.

Ayon kay dating Commission on Elections commissioner Gus Lagman, sa unang dalawang oras ng bilangan noong taong 2013, may kandidato na biglang umakyat ang bilang ng nakuhang boto.

Si Marlon Garcia din aniya ng Smartmatic ang gumalaw noon sa software para ayusin ang problema.

Ayon kay Lagman, ginawa iyon ng Smartmatic noong 2013 nang hindi rin hinihingi ang permiso ng Comelec.

Naniniwala si Lagman na dahil binalewala lang noon ng Comelec ang nasabing pangyayari, hindi naging maingat ang Smartmatic sa pagkakataong ito kaya muling naulit ang sitwasyon.

Sinabi ni Lagman na dapat may resolusyon ang Comelec bago magpatupad ng pagbabago o pagpapalit sa sistema.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.