Sen. Leila de Lima suportado ang pagkasa ng kaso sa ‘Pastillas scandal’ players
Hinimok ni Senator Leila de Lima ang mga kapwa senador na aprubahan na ang committee report kaugnay sa inimbestigahang ‘Pastillas Scam’ na kinasasangkutan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration.
Kasunod ito nang paglalatag ng ulat ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.
Inirekomenda sa ulat ang paghahain ng mga kasong kriminal laban sa mga sangkot sa pangunguna ng mag-amang Maynardo Mariñas at dating BI Port Operations chief Marc Red Mariñas.
Partkular aniya na maisasampa laban sa mga Mariñas ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, plunder law, at ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Naniniwala ang 11 senador na pumirma sa committee report na bilyong-bilyong piso ang kinita ng mga sangkot sa iskandalo sa pamamagitan nang pagpapalabas ng visa-upon-arrival (VUA).
Karamihan sa mga nakinabang sa naturang modus ay mga Chinese nationals na nagtungo sa bansa para magtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.