Covid 19 reproduction number sa Metro Manila bumaba pa – OCTA
Lalo pang bumaba ang reproduction rate ng COVID 19 sa Metro Manila, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.
Ayon kay Guido, bumaba sa 0.50 ang naitalang reproduction rate ng sakit sa Kalakhang Maynila sa nakalipas na apat na araw.
Kasabay ito aniya nang pagbagal ng pagbaba ng bilang ng mga naitatalang bagong kaso at naitala naman ang -69 percent one-week growth rate.
Kahapon, naibahagi ng Department of Health (DOH) na ang naitalang 2,256 kaso sa Metro Manila ang pinakamababa na simula noong nakaraang Disyembre 31 kung kailan nagsimulang sumirit ang bilang.
Naniniwala din si David na maaring maging ‘moderate risk’ na lang ang Metro Manila sa papapasok na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.