Army, NPA nagkasagupa sa Agusan del Norte, 6 baril narekober
Makalipas ang walong oras na sagupaan, narekober ng mga sundalo ang anim na matataas na kalibre ng baril na iniwan ng mga rebelde sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Base sa ulat mula sa Army 29th Infantry (Matatag) Battalion, nagsasagawa ng combat operations ang kanilang mga tauhan sa Sitio Ancili sa Barangay Putting Baton ang matiyempuhan nila ang 15 rebelde.
Hinihinala na ang mga rebelde at kabilang sa NPA-SRC Northland, North Eastern Mindanai Regional Command at pinamumunuan ng isang alias Chong.
Sa pag-atras ng mga rebelde ay iniwan nila ang isang EMTAN 5.56mm rifle, isang M16A2 rifle, isang M653 rifle, isang M203 grenade launcher rifle at dalawang AK47 rifles.
Bukod pa dito ang mga bala at pampasabog, isang cellular phone, mga pagkain at mga subersibong dokumento.
Muli din hinimok ni Army Lt,Col. Saldua, commanding officer ng 29th IB na sumuko na lamang at magbalik loob sa pamahalaan para matigil na ang paghihirap ng mga inosenteng sibilyan at para na rin sa kapayapaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.