Tamang air ventillation muling iginiit ng DOH kontra COVID 19 spread

By Jan Escosio January 29, 2022 - 11:15 AM

Napakahalaga ayon sa Department of Health angtamang air ventilation at airflow bukod sa pagbabakuna bilang depensa sa COVID 19.

 

Paalala lang muli ni Health USec. Ma. Rosario Vergeire sa publiko na naihahawa ang sakit sa pamamagitan ng hangin bukod sa droplets kayat kailangan sumunod sa minimum health protocols gaya ng pag susuot ng face mask at physical distancing.

 

Paliwanag nito dapat mayroong tamang bentilasyon kahit sa bahay, mga tanggapan at iba pang establishimento para mapigilan pa ang pagkalat ng sakit.

 

Ayon sa kagawaran, magkakaroon ng tamang bentilasyon sa pamamagitan ng  bukas ang pintuan at bintana para pumasok ang sariwang hangin

 

Dagdag paalala pa ni Vergeire kung makikipagkita o makikipag-usap sa iba dapat  sa isang well ventilated na lugar, laging sumunod sa social diatancing at mag suot ng face mask.

 

Kung maari din lamang aniya ay limitahan lamang sa isang oras ang pakikipag-usap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.