Paalala ng PNP sa mga kandidato, tagasuporta sundin ang campaign rules

By Angellic Jordan January 28, 2022 - 01:54 PM

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kandidato at kanilang tagasuporta sa 2022 National and Local Elections na sundin ang itinakdang campaign rules ng Commission on Elections (COMELEC), na suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“It will be an unprecedented campaign season so we hope that the candidates will set an example to the public of how they should obey our campaign guidelines,” pahayag ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos.

Itinakda ng Comelec resolution 10732 ang ‘new normal’ sa pagdaraos ng physical campaigns, rallies, meetings, at iba pang kahalintulad na aktibidad.

Nakasaad din sa resolusyon na kailangang sundin ang minimum public health standards, base sa abiso ng Department of Health (DOH).

Ipinagbabawal naman sa ilalim ng in-person activities ang house-to-house campaigning kahit na mayroong permiso sa may-ari, crowding, handshaking o iba pang uri ng physical contact, pakikipag-selfie na may malapit na contact sa mga tao, at pamamahagi ng pagkain at inumin. Bawal din ang mga nabanggit na tuntunin sa mas malaking campaign events.

“Our police personnel shall exercise vigilance in monitoring election-related activities while maintaining our being apolitical,” ayon sa PNP Chief.

Humiling naman ang pambansang pulisya sa publiko na tumulong sa pamamagitan ng pag-report ng mga paglabag sa campaign provisions.

Magsisimula ang campaign period para sa national candidates sa February 8, 2022.

TAGS: #VotePH, 2022CampaignPeriod, 2022elections, 2022polls, DionardoCarlos, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PNP, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022CampaignPeriod, 2022elections, 2022polls, DionardoCarlos, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PNP, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.