Naitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR, ilang probinsya bumababa na – OCTA
Bumulusok ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), at ilang probinsya ng CALABARZON, ayon sa OCTA Research.
“NCR, Batangas, Cavite, Laguna and Rizal on a downward trend in new cases. Rizal has improved to moderate risk, while NCR, Batangas, Cavite, Laguna and Quezon are still at high risk,” saad ni OCTA Research fellow Guido David sa Twitter.
Base sa ibinahagi nitong datos, nakapagtala ang Metro Manila ng -67 percent one-week growth rate sa mga kaso.
Nakapagtala naman ng -41 percent ang Batangas, -48 percent ang Cavite, -48 percent ang Laguna, -18 percent ang Quezon, at -61 percent ang Rizal.
Samantala, nasa 0.52 naman ang reproduction number sa Metro Manila, 1.01 sa Batangas, 0.89 sa Cavite, 0.95 sa Laguna, 1.35 sa Quezon, at 0.69 sa Rizal.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang January 27, nasa 226,521 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.