Naging diretsahan din ang pagsagot ni Presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno sa serye ng mga katanungan ng television host na si Boy Abunda.
Sa “The 2022 Presidential One-On-One Interviews” sa YouTube, tinanong ni Abunda ang alkalde kung bakit hindi dapat iboto ang ibang katunggali sa nalalapit na 2022 National and Local Elections.
Unang binanggit ni Abunda si Senador Panfilo “Ping” Lacson at sagot ni Moreno, “Pwede rin naman iboto.”
Kay Senador Manny Pacquiano, sinabi ng alkalde na, “Mabait naman siya. Okay naman.”
Tahasan namang isinaad ni Moreno na hindi dapat iboto si Vice President Leni Robredo dahil aniya, “Maghihiganti sa mga Marcos at mga Duterte.”
Nang tanungin naman ukol kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr, diretsong inilahad ng alkalde na, “Maghihiganti sa mga ‘dilawan’ at ‘pinklawan’.”
Tinanong din ni Abunda si Moreno kung bakit siya ang dapat iboto sa nalalapit na 2022 National and Local Elections.
Sagot nito, “Hindi ako maghihiganti kanino man. Wala akong paghihigantihan. Ako, sa dami ng problema, kailangan natin ng mga tunay na solusyon at mabilis na aksyon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.