DILG ipinag-utos ang istriktong pagpapatupad ng allowed at prohibited poll activities sa campaign period
Sa nalalapit na pagsisimula ng campaign period sa February 8 para sa national candidates at March 25 sa local candidates, ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na istriktong ipatupad ang allowable at prohibited election-related activities.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangang tutukan ng LGUs at PNP ang pagtitiyak sa minimum public health standards (MPHS) depende sa umiiral na alert level sa mga lugar kung saan isasagawa ang in-person campaigns, rallies, caucuses, meetings at conventions, motorcades at caravans, at miting de avance.
“Sisiguraduhin po nating tumutupad ang mga LGU sa Comelec Resolution 10732 bilang pagtitiyak na magiging ligtas ang ating mga kababayan sa panahon ng kampanya,” saad ng kalihim at dagdag nito, “We are facing a much transmissible variant kaya naman hindi tayo dapat magpabaya maging ngayong panahon ng halalan.”
Dapat aniyang unahin ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Nauna nang sinabi ng DILG Chief na dapat ding mag-adopt ang LGUs ng mga hakbang at istratehiya upang makasunod sa Comelec resolution at umiiral na polisya.
“The 2022 Election is a very important event for the country but we must take into consideration that we are still currently battling an enemy that thrives in gatherings. We expect LGUs and the PNP to strictly enforce the poll guidelines,” ani Año.
Samantala, inatasan din ang PNP na panatilihin ang kaayusan at seguridad sa kasagsagan ng anumang election-related campaigns, katuwang ang barangay officials, tanods, at Barangay Health Emergency Response Teams.
“Kailangang pagalawin ng mga LGU ang lahat ng kanilang law enforcement units upang tiyakin na magiging ligtas at malayo sa COVID-19 ang mga makikiisa nating kababayan sa mga kampanyang ito,” saad ni Año.
Aniya pa, “To the LGUs and M/CCCC, please avoid partiality and bias in granting approval for these campaign activities. Unahin po natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan bago ang pamumulitika.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.