DPWH nakapagtayo ng 510 tulay, 1,593 flood control structures sa taong 2021
Tuluy-tuloy ang infrastructure development sa bansa sa kabila ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger Mercado, puspusan ang pagtatrabaho ng kagawaran sa implementasyon ng priority infrastructure projects upang mapadali ang pagbawi ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng 1.6 milyong trabaho.
“With the threat of the pandemic still looming, DPWH still managed to attain numerous achievements in our mission to provide quality infrastructure to the Filipino people,” dagdag ni Mercado.
Simula Enero hanggang Disyembre 2021, nagkasa ang kagawaran ng konstruksyon, rehabilitasyon at improvement ng 4,097 kilometro ng kalsada; 510 tulay; at 1,593 flood control structures.
Maliban dito, nakumpleto rin ng DPWH ang 4,244 classrooms at 82 school workshop buildings, iba pang school facilities, at 108 evacuation centers sa buong bansa.
Base sa datos hanggang December 2021, naitayo ng DPWH ang 736 quarantine facilities na may 28,195 beds para mabigyan ng atensyong medikal ang mga indibiduwal na apektado ng COVID-19, 29 modular hospitals na may 595 beds at 55 off-site dormitories para sa health workers na may 1,444 beds.
Sinabi naman ni Senior Undersecretary Rafael C. Yabut, in-charge ng DPWH Regional Operations, na handa ang DPWH sa anumang pagsubok, oportunidad, at tagumpay sa taong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.