22,014 na bagong COVID-19 recoveries, naitala sa Pilipinas
Unti-unti na ang pagbaba ng napapaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (January 27), pumalo na sa 3,493,447 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 226,521 o 6.5 porsyento ang aktibong kaso.
Nasa 18,191 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Nasa 74 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 53,736 o 1.54 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 22,014 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,213,190 o 92.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.