Kamara, sulong-urong sa rekomendasyon na asuntuhin si Health Sec. Francisco Duque

By Jan Escosio January 26, 2022 - 07:50 PM

Isang araw lamang matapos tanggapin ang committee report na nagrerekomenda ng sampahan ng mga administratibong kaso si Health Secretary Francisco Duque III, binawi din agad ito ngayon araw.

 

Matapos ang kanyang motion to recall sa committee report, nag-mosyon si Asst. Majority Leader Yul Servo na ibalik sa Committee on Good Government ang report.

 

Sinabi ni DIWA Partylist Rep. Michael Aglipay nagdesisyon sila na bawiin ang committee report para bigyan ng pagkakataon pa si Duque na depensahan ang sarili.

 

Katuwiran pa nito, ito naman ay ayon na rin sa nakasaad sa Saligang Batas.

 

Nabanggit pa ni Aglipay na hindi nakadalo sa mga pagdinig ng komite si Duque kayat hindi nito naipaliwanag ang sarili.

Nag-ugat ang rekomendasyon sa mga isyu kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.