Duterte: “Tugade, isang ideal goverment worker”

By Angellic Jordan January 25, 2022 - 03:49 PM

DOTr photo

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade sa ahensya.

Sa kaniyang “Talk to the People”, Lunes ng gabi (January 24), tinawag ng pangulo ang kalihim bilang isang “ideal government worker”.

Sinabi ito ng Pangulo matapos ang pulong, kasama ang ilang miyembro ng Gabinete at opisyal ng gobyerno, upang talakayin ang COVID-19 situation sa bansa.

Kabilang sa mga iniulat ni Tugade ang update sa mga hakbang ng DOTr at Philippine Ports Authority (PPA) para tulungan ang daan-daang stranded na pasahero at bata sa Manila Port.

“Una, kailangan itong mga stranded children na ito ay mapauwi sa lalong madaling panahon. Pangalawa, kailangan magtayo tayo ng onsite vaccination facilities nang sa gayon ‘yung walang vaccination ay agarang mabigyang pagkakataon,” ani Tugade.

Agad nag-abot ng mga kinakailangang tulong ang PPA at iba pang ahensya, tulad ng libreng pagkain, snacks, tubig, at sleeping kits. Nagbigay din ang Social Welfare Department ng P5,000 financial sa mga pamilya.

Maliban dito, inanunsiyo rin ni Tugade ang desisyon ng MARINA Board na gawin nang libre ang seaman’s book para sa first-time seafarers, habang may 50 porsyentong diskwento naman sa mga magre-renew.

“‘Yung mga first time seamen na kukuha ng Seamen’s Book – ang halaga nito 1,000 to 1,800, depende kung saan mo kukunin – libre na ‘ho ‘yun. Dito sa termino n’yo, Mr. President, para tulong sa mga seamen, ‘pag kinuha na nila ang Seamen’s Certificate for the first time, libre na ho ‘yun,” ayon sa kalihim.

Kasunod ng positibong report ni Tugade, binati ito ng Pangulo

“Salamat, Art. You are an ideal worker of government. Maganda yung resolve mo to produce results sa trabaho mo. Sayang hindi ka tumakbo ng Senador. Madagdagan sana yung magaganda yung utak na (gaya mo), (kaso) ayaw mo eh,” saad ng Pangulo.

TAGS: ArtTugade, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, ArtTugade, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.