P500 monthly social pension ng senior citizens, kulang na kulang – Sen. Hontiveros
Itinutulak ni Senator Risa Hontiveros na madagdagan ang P500 buwanang pensyon ng mga mahihirap na senior citizens sa bansa.
Ayon kay Hontiveros, hindi sapat sa mga pangangailan ng mga nakakatanda ang P500 bunga na rin ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin.
Aniya, ang kailangan ay universal social pension para sa senior citizens upang bumuti naman ang kanilang pamumuhay.
“Many of our senior citizens are now being considered ineligible for social pension and are left vulnerable,” sabi pa ng senadora sa pagdinig ng Senate Committee on Scial Justice sa panukalang pagtaas ng pensyon ng mga senior citizens.
Paliwanag pa niya, isang paraan nang pagtulong sa mga nakakatanda at pagkilala sa kanilang kontribusyon ang pagkakaroon ng batas ukol sa universal social pension.
Noong nakaraang Agosto, lumusot na sa Kamara ang House Bill No. 9459 na layong madoble ang buwanang pensyon ng senior citizens dahil sa pagpupursige ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.