Sen. Pacquiao, sinabing dodoblehin ang suweldo ng mga guro
Sa paniniwalang karapat-dapat at makatuwiran lamang na mabuhay ng may dignidad ang mga guro, nangako si Senator Manny Pacquiao na dodoblehin niya ang suweldo ng mga ito kapag siya ang nahalal na susunod na pangulo ng bansa.
Sinabi pa ng standard-bearer ng PROMDI Party na aasikasuhin din ng kanyang administrasyon na mapagbuti din ang kondisyon ng mga private school teachers.
Binanggit nito na ilang dekada ng maraming guro ang miserable ang pamumuhay kaya’t marami ang nahihikayat na umutang kahit malaki ang interes at marami na rin ang nabiktima ng scams.
“Sobrang napabayaan na ng pamahalaan ang ating mga guro. Noong araw, ang pagiging guro ay position of dignity and respect pero parang nawawala na ito dahil marami sa ating mga guro ang naghihikahos kaya napipilitan na pumasok sa mga sitwasyon na nakakawala ng dignidad,” sabi pa ni Pacquiao.
Nabanggit din nito na ang ibibigay niya na karagdagang mga benepisyo sa mga guro ay magmumula sa matitipid sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno na sa kanyang pagtataya ay umaabot sa P700 bilyon hanggang P1 trilyon kada taon.
Dagdag pa ng senador, maaring humugot sa intelligence at discretionary funds para madagdagan ang sahod ng educational frontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.