Panibagong bigtime oil price hike, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan January 24, 2022 - 01:32 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng bigtime oil price increase sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, may dagdag na P1.90 sa kada litro ng diesel habang P1.45 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng taas-presyo na P1.70 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (January 25).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Seaoil, at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceHike, OilPriceIncrease, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceHike, OilPriceIncrease, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.