PNP: 343 timbog sa election gun ban

By Jan Escosio January 24, 2022 - 12:27 PM

Patuloy na dumadami ang nahuhuli ng pambansang pulisya na mga lumalabag sa gun ban kaugnay sa papalapit na eleksyon.

 

Sa datos na ibinahagi ng PNP, 25 ang pinakahuling nadagdag, 23 ang sibilyan at dalawa naman ang guwardiya.

 

Nakumpiskahan sila ng 16 baril, 43 bala at siyam pang nakakamatay na armas.

 

Mula sila sa Metro Manila, Marawi City, Taguig City, Leyte, and Tacloban City, as well as from some areas in Eastern Visayas, Western Visayas, Central Luzon, Cagayan, at Ilocos.

 

Simula noong Enero 9, unang araw ng election gun ban, nakapagkasa na ang pambansang pulisya ng 38,341 checkpoints sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Tanging mga alagad at ahente ng batas lamang ang awtorisadong magbitbit ng baril at kinakailangan din na sila ay naka-uniporme, hanggang sa Hunyo 8.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.