P150-M halaga ng fake COVID 19 antigen test kits, drugs nasamsam
Tinatayang aabot sa P150 milyon ang halaga ng mga pekeng COVID 19 essentials ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs.
Kabilang sa mga mga pekeng produkto na nasamsam ay antigen test kits, Linhua medicines, masks, gayundin mga branded goods.
Sa ikinasang operasyon katuwang ang NBI at Philippine Coast Guard sa Carlos Palanca St., San Miguel sa Maynila, naaresto ang isang Chinese citizen na sinasabing may-ari ng sinalakay na bodega.
Nadiskubre din ang mga pekeng produkto ng Nike, Fila, Converse, Adidas, gayundin ang Louis Vuitton at Gucci bags, wallets, phone accessories at iba pa.
Tiniyak ni Customs Deputy Comm. Raniel Ramiro na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang hindi na kinilalang Chinese citizen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.