Mga lugar na nasa granular lockdown lumubo sa 900
Hanggang kahapon, araw ng Linggo, 900 lugar sa ibat-ibang dako ng bansa ang nasa granular lockdown.
Sa datos ng PNP, ang bilang ay mula sa 700.
Nabatid na sa Cagayan, na dating walang granular lockdown, ay nagkaroon ng 212 areas under restriction.
May 330 lugar sa Cordillera ang naka-lockdown, 233 naman sa Ilocos, 106 sa Metro Manila ar 19 sa Mimaropa.
Ayon pa sa pambansang-pulisya, 2,557 indibiduwal ang apektado ng granular lockdowns.
Binabantayan naman ang restricted areas ng 211 pulis at 443 force multipliers para matiyak ang seguridad, gayundin ang pagsunod ng mga apektado sa minimum health protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.