Pilipinas may higit 273,000 active COVID 19 cases
Karagdagang 29, 828 COVID 19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayon araw ng Linggo.
Sa mga aktibong kaso, 8,371 ang asymptomatic, 260,399 ang may mild symptoms, 3,006 ang moderate, 1,496 ang severe at may 308 na kritikal.
May nadagdag naman na 36,763 na gumaling at 67 naman ang namatay.
Karamihan pa rin sa mga bagong kaso ay sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Ang intensive care unit (ICU) bed utilization rate ay 48 porsiyento sa Metro Manila at 51 porsiyento naman sa buong bansa.
Samantalang, ang ward bed utilization rate at 52 porsiyento sa Metro Manila at 53 porsiyento naman sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.