Proseso ng pagbabago sa ‘script’ ipapakita ng Comelec

By Jay Dones May 13, 2016 - 02:58 AM

 

Richard Reyes/Inquirer

Ilalabas ng Commission on Elections ang bahagi ng binago o ‘altered script’ mula sa transparency server ngayong araw.

Ito’y upang patunayan na walang nabago sa resulta ng eleksyon at tanging ‘cosmetic’ lamang ang naging dahilan kaya’t kinailangang baguhin ang bahagi ng ‘script’.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, pinalitan lamang ng isang Smartmatic technician ang mga lumalabas na ‘question mark’ sa pangalan ng ilang kandidato ng letrang “ñ”.

Dahil dito, binago ang mga hash codes na nagsisilbing digital fingerprints.

Ang naturang data ay naka-save sa isang thumb drive at isinelyo sa sobre na sinaksihan ng ilang mga miyembro ng media at mga kinatawan ng mga political parties.

Sa pamamagitan aniya ng magaganap na demonstration ngayong araw, makikita na tanging ang letra lamang at question mark ang nabago at walang naging ibang epekto sa resulta ng botohan.

Samantala, ipinauubaya na ng PPCRV sa Comelec ang pagtugon sa mga alegasyon na may ipinasok na bagong ‘script’ sa transparency server na tumatanggap ng mga boto mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Giit ng panig ng PPCRV, na nasa poder ng Comelec ang lahat ng sistema na ginagamit sa eleksyon at tanging ‘data’ lamang ang nakakarating sa kanila. Una rito, kinwestyon ng kampo ni Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang biglaang pagbabago ng resulta ng mga boto kung saan naungusan na siya ni Liberal party vice presidential candidate. Rep. Leni Robredo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.