Lolo Narding ng Pangasinan hinatiran ng tulong ng Senior Citizens Partylist
Matapos mag-viral sa social media ang sinapit ng 80-anyos na si Leonardo Flores, agad nagpahatid sa kanya ng tulong pinansiyal si Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes.
Umani ng simpatiya si Lolo Narding sa mga netizens nang mag-viral sa social media ang kanyang mugshot sa Asingan Police Station.
Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest kay Lolo Narding base sa kaso na nag-ugat ng diumanoy pagnanakaw niya ng halos 10 kilo ng mangga mula sa puno na kanyang itinanim sa lupa ng kanyang kapitbahay.
“Nakakaawa lang na may mga katulad ni Lolo Narding na kailangan pang malagay sa isang sitwasyon na hindi niya ginusto lalo na sa kanyang edad,” ayon sa namumuno sa House Special Committee on Senior Citizens.
Sinabi pa ng mambabatas na ang mga ganitong sitwasyon kayat patuloy niyang isinusulong ang pagpasa ng mga panukalang-batas para maiwasan ang pang-aabuso sa mga nakakatandang populasyon ng bansa.
Hiniling na rin ni Ordanes kay Interior Sec. Eduardo Año na atasan ang lokal na pulis, gayundin ang barangay na agad mamagitan sa kaso sabay giit na dapat ay paganahin ang Katarungang Pambarangay.
‘Maaring gamitin ng pulis ang kanilang diskresyon lalo’t minor offense lang ang ang paratang sa isang 80-anyos. Katarungang pambarangay na usapin lang dapat iyan. Pero ang pulis naman ay sumunod lang sa korte,” diin pa nito.
Nais din nito na bigyan ng sapat na pansin ng lokal na social workers at matulungan si Lolo Narding.
Samantala, nagtakda na ang 7th Municipal Circuit Trial Court ng Asingan ng sa darating na Pebreo 8 ang pagbasa ng sakdal kay Lolo Narding, na inaresto noong Enero 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.