P5.36-B halaga ng ilegal na droga, sinira ng PDEA sa Cavite

By Angellic Jordan January 20, 2022 - 05:18 PM

PDEA photo

Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P5 milyong halaga ng mga ilegal na droga sa Trece Martires City, Cavite.

Pinangunahan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagsira ng mga ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P5,362,909,417 sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa bahagi ng Barangay Aguado, araw ng Huwebes (January 20).

Base sa consolidated report ng PDEA Laboratory Service, narito ang mga ilegal na droga na sinira:
– 779,521.75 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu (P5,300,747,915.50)
– 174,012.29 gramo ng Marijuana (P20,881,475)
– 3,150.25 gramo ng Cocaine (P16,696,300.09)
– 9,294.77 gramo ng MDMA o Ecstasy (P15,801,111.21)
– 1,318.90 gramo ng MDMA+Meth (P1,811,520)
– 185.74 gramo ng Cocaine+MDMA (P650,090)
– 2,390.54 gramo ng Amphetamine (P5,737,296)
– 10,405.03 gramo ng Diazepam (P403,194.84)
– 12.86 gramo ng Ephedrine (P4,445.80)
– 6,100.33 gramo ng Nitrazepam (P129,631.95)
– 30 gramo ng Toluene (P3,166.80)
– 618.14 gramo ng Zolpidem (P43,269.80)
– 62 gramo ng Meth+Acetone
– 1,878.81 gramo ng Clonazepam
– 0.40 gramo ng Methylephedrine
– 1.10 gramo ng GHB
– 1,013.13 gramo ng Sodium Hydroxide
– 68,900 gramo ng Surrendered Expired Medicines
– 90,755.00 milliliters ng Acetic Anhydride
– 1,876.90 milliliters ng Liquid Marijuana

Sinira ang mga ilegal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis.

Pinuri naman ni Villanueva ang aksyon ng iba’t ibang sangay ng Regional Trial Courts (RTCs) para sa mabilis na pag-uusig ng mga kasong may kinalaman sa droga.

“Ang inyong PDEA ay patuloy at masigasig na gagampanan ang aming trabaho para makamtan natin ang isang Pilipinas na ligtas sa iligal na droga,” dagdga nito.

TAGS: InquirerNews, PDEA, RadyoInquirerNews, WilkinsVillanueva, InquirerNews, PDEA, RadyoInquirerNews, WilkinsVillanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.