COVID-19 vaccination sa mga opisina, pinag-aaralan na ng DOLE

By Chona Yu January 20, 2022 - 03:54 PM

Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga opisina at iba pang lugar ng mga manggagawa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez na ito ay para mapadali sa mga manggagawa ang pagpapabakuna.

Ginawa ni Benavidez ang pahayag matapos buksan ng pitong botika ang pagbabakuna sa kanilang mga lugar.

Umaasa si Benavidez na kasabay ng pag-arangkada ng Resbakuna sa Botika, ituloy na rin sana ang pagbabakuna sa mga lugar pagawaan.

TAGS: BenjoBenavidez, COVIDvaccination, DOLE, InquirerNews, LagingHanda, RadyoInquirerNews, BenjoBenavidez, COVIDvaccination, DOLE, InquirerNews, LagingHanda, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.