Walang Pinoy na naapektuhan sa Tonga, Samoa at Fiji – DFA
Walang nasawi o nasugatang Filipino sa Tonga at Samoa matapos ang pagsabog ng isang underwater volcano, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Base ito sa ulat ng Philippine Embassy sa Wellington hanggang January 18, 2022.
Sinabi ng kagawaran na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa Filipino community sa Tonga sa pamamagitan ng emergency satellite phone.
Maari kasing abutin pa ng dalawang linggo bago tuluyang maibalik ang communication system sa nasabing lugar.
Tiniyak naman ng DFA na patuloy nilang tututukan ang sitwasyon sa Tonga upang masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino doon.
Lumapit na rin ang Association of Filipinos in Tonga Inc. sa Philippine Embassy sa Wellington via email para ipagbigay-alam na walang nadamay na Filipino sa nasabing lugar.
Hiniling nito sa embahada na ipaalam sa kani-kanilang pamilya na sila ay ligtas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.