Mga botika, klinika na makikiisa sa COVID-19 vaccination target bigyan ng insentibo
Target ng pamahalaan na bigyan ng insentibo ang mga botika at klinika na makikiisa sa COVID-19 vaccination.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na tinatalakay na ng Department of Health (DOH) kung anong insentibo ang maaring ibigay lalo na sa pharmacists.
Sisimulan na sa Huwebes, Enero 20 ang pagbabakuna sa mga botika at klinika.
Ito ay sa Healthway Manila Clinic, Mercury Drug Malate sa President Quirono Avenue sa Manila, South Star Drug sa Marikina, Watsons sa SM Supercenter sa Pasig City, Generika Drugstore Signal 1 sa Taguig City at sa Qualimed Clinic sa McKinley Road sa Makati City.
Iaanunsyo aniya sa mga botika kung ano ang brand ng bakuna ang gagamitin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.