Pilipinas, nakapagtala ng 34,892 na COVID-19 recoveries; 28,471 naman ang bagong kaso
Nasa 28,471 ang napaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (January 18), pumalo na sa 3,270,758 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 284,458 o 8.7 porsyento ang aktibong kaso.
8,930 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 270,784 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,957 ang moderate, 1,484 ang severe, habang 303 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 34 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 52,962 o 1.62 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 34,892 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,933,338 o 89.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.