Wanted na Taiwanese dahil sa pamemeke, arestado sa Quezon City
Nahuli ng mga elemento ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Taiwanese na wanted dahil sa pamemeke.
Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, tinukoy ang dayuhan na si Peng Hui Ying, 61-anyos.
Naaresto ng ahensya ang dayuhan sa isang condominium unit sa bahagi ng Araneta Avenue, Quezon City noong January 12.
Ayon kay BI-FSU Chief Rendel Ryan Sy, armado ang mga ahente ng ahensya ng mission order mula kay Morente.
Sinabi ni Sy may inihaing arrest warrant laban kay Peng ang isang district court sa Hsinchu, Taiwan dahil sa kasong forgery noong 2017.
Lumabas din sa imbestigasyon na isa nang overstaying alien ang dayuhan.
Pansamantalang ikukulong si Peng sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation nito.
Mapapasama na rin ang dayuhan sa immigration blacklist upang hindi na muling makapasok sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.