Metro Manila, limang rehiyon nasa critical risk pa dahil sa COVID-19

By Chona Yu January 18, 2022 - 08:22 AM

PCOO photo

Nanatili sa critical risk ang Metro Manila at limang rehiyon dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Sa Talk to the People, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte na bukod sa Metro Manila nasa critical risk din ang Cagayan Valley, Ilocos Region, Calabarzon, Cordillera Administrative Region at Central Luzon.

Bagama’t nasa critical risk, sinabi ni Duque na bumagal naman ang growth rate of infections.

Sinabi pa ni Duque na bumababa na rin ang pagtaas ng reported cases kada araw.

Bumabagal at bumababa aniya ang mga tinatamaan ng COVID-19.

Ipinapanalangin naman ni Pangulong Duterte na hindi na sana dumami pa ang matatamaan ng virus.

 

TAGS: critical risk, francisco duque, Metro Manila, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, critical risk, francisco duque, Metro Manila, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.