Pilipinas, nakapagtala ng 39,004 na bagong kaso ng COVID-19
Sumipa pa ang naitatalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Sabado ng hapon (January 15), 39,004 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw. Ito ay highest single-day tally sa bansa.
Dahil dito, pumalo na sa 3,168,379 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 280,813 o 8.9 porsyento ang aktibong kaso.
8,928 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 267,185 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,925 ang moderate, 1,472 ang severe, habang 303 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 43 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 52,858 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 23,613 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,834,708 o 89.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.