34,021 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas
Mahigit 34,000 ang naitalang kaso ng naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Huwebes ng hapon (January 13), 34,021 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.
Dahil dito, pumalo na sa 3,092,409 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 237,387 o 7.7 porsyento ang aktibong kaso.
7,332 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 225,408 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,881 ang moderate, 1,468 ang severe, habang 298 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 82 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 52,736 o 1.71 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 4,694 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,802,286 o 90.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.