Walang anomalya sa transparency server-PPCRV

Pinabulaanan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga akusasyon ng pandaraya at manipulasyon sa bilangan ng boto mula sa kampo ni Sen. Bongbong Marcos.
Una na kasi silang inakusahan ng kampo ni Marcos na mayroon umanong bagong computer command na inilagay sa transparency server ng Commission on Elections (COMELEC) kaya bigla siyang naungusan ng kalaban.
Ayon kay PPCRV spokesperson Anna De Villa Singson, bineberipika nila ang mga impormasyon at wala naman silang nakitang anomalya sa server.
Dagdag pa ni Singson, sakali mang ginawa talaga iyon, hindi niya alam kung anong server ang tinutukoy dahil mayroong server sa kanilang opisina at mayroon rin sa PICC.
Nireview aniya nila agad ang mga security logs at mga CCTV footage nang lumabas ang akusasyon.
Giit pa niya, maya’t maya ikinukumpara ng PPCRV, COMELEC at media kung pare-pareho ang mga hawak nilang datos.
Ipinaliwanag pa ni Singson na naunang na-transmit ang mga boto mula sa mga presinto sa balwarte ni Marcos sa Ilocos region, at kalaunan lamang ang mula sa balwarte ni leading vice presidential candidate Rep. Leni Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.