11.11 milyong bata na edad 0-4 anyos babakunahan kontra COVID-19
Target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang 11.11 milyong bata na nag-eedad 0-4 taong gulang bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, Enero 10, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng pamahalaan na mabakunahan ang may 90 milyong bata sa katapusan ng Hunyo.
“Ito po ang ating mga objectives: unang-una, to vaccinate 90 million Filipinos before the end of June 2022 (Q2),” pahayag ni Glavez.
Sinabi pa ng kalihim na target din ng pamahalaan na mabigyan ng booster shots ang may 72.16 milyon na Filipino na nag-eedad 18 anyos pataas at 12.74 milypng bat ana nag-eedad 12 hanggang 17 anyos.
Ayon kay Galvez, bibigyan din ng booster shots ang 15.56 milyong bat ana nag-eedad 5 hanggang 11 anyos.
Kinakailangan aniyang bumili pa ng pamahalaan ng karagdagang 26 milyong doses ng bakuna para sa mga bata na nag-eedad 5 hanggang 11 anyos.
Sa kasalukuyan, nasa 52 milyonf Filipino na ang bakunado kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.