Tinawag na scammer sa social media, businesswoman bubuwelta

By Jan Escosio January 10, 2022 - 07:40 PM

Pormal na maghahain ng mga reklamo ang isang negosyanteng babae laban sa isang kapwa babae na nambintang at nanira sa kanya sa social media.

 

Sa pagharap sa mga mamamahayag ni April Grace Castro, president ng AA Castro Construction and Aggregates Trading, mariin pinabulaanan niya na siya ang nanira sa sports utility vehicle (SUV) ng isang Yumalyn Fulay.

 

Sa Facebook post ni Fulay itinuro niya si Castro na bumasag ng mga salamin ng kanyang Mitsubishi Montero (NDQ 6050) gamit ang baseball bat katulong pa ang diumano ang isang pulis-Makati na kinilala niyang si Manuel Gutierrez.

 

Aniya walang ebidensiya si Fulay kahit CCTV footage na magpapakita na siya ang nanira ng sasakyan.

 

Pagdidiin pa ni Castro wala siyang utang kay Fulay tulad ng ipinapakalat ng huli, na tinawag pang scammer ang una.

 

Aniya maganda ang itinatakbo ng kanyang negosyo at wala siyang inaagrabyadong tao.

Dahil sa pang-aagrabyado sa kanya sa social media, tiniyak ni Castro na mahaharap sa patong-patong na kaso si Fulay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.