MRT-3, may libreng antigen testing sa mga boluntaryong pasahero

By Angellic Jordan January 10, 2022 - 03:48 PM

Magsasagawa ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng random antigen testing para sa mga boluntaryong pasahero sa buwan ng Enero.

Tugon ito sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Narito ang mga petsa ng random antigen testing sa mga pasahero:
– Enero 11 hanggang 14
– Enero 17 hanggang 21
– Enero 24 hanggang 28
– Enero 31

Magtatalaga ng antigen testing sites sa mga istasyon ng MRT-3 sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue.

Maaring ma-accommodate ang anim na pasahero kada peak period sa bawat istasyon, o 24 na pasahero sa isang araw sa bawat istasyon.

Kaya naman inaasahang aabot sa 96 na pasahero kada araw ang maseserbisyuhan sa apat na istasyon.

Isasagawa ang antigen testing tuwing peak hours mula 7:00 hanggang 9:00 sa umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 sa gabi.

Kailangan lamang punan ng pasahero ang consent form at contact tracing form bago ang pagsusuri.

Libreng makasasakay ng MRT-3 ang pasaherong papayag sa random antigen testing at magne-negatibo ang resulta sa test.

Kapag lumabas namang positibo sa antigen testing, hindi ito papayagang makasakay ng tren at aabisuhan ang pasahero na magself-isolate at makipag-ugnayan sa local government unit (LGU) para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing.

Isasagawa ang antigen testing ng mga trained medical personnel mula sa South Superhighway Medical Center.

TAGS: antigen, COVIDtesting, DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongMRT3, antigen, COVIDtesting, DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongMRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.