Operasyon ng ilang DFA Consular Office, suspendido mula January 10 hanggang 20

By Angellic Jordan January 10, 2022 - 03:17 PM

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng ilang Office of Consular Affairs (OCA), Consular Offices (COs) at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) mula January 10 hanggang 20, 2022.

Bunsod pa rin ito ng pagdami ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang hanay.

Magtatalaga ng skeleton teams sa lahat ng site habang ang nalalabing empleyado ay magtatrabaho ‘remotely’.

Dahil dito, walang maipoproseso at mailalabas na pasaporte o Apostille applications sa nasabing petsa.

Ibabalik ang operasyon ng mga consular office at TOP sa January 21, 2022.

Narito ang listahan ng apektadong COs at TOPs mula January 10 hanggang 20, 2022:
– CO La Union (10-14 January)
– CO NCR East
– CO NCR North
– TOPS Robinsons Novaliches

Ito naman ang listahan ng apektadong COs at TOPs mula January 12 hanggang 20, 2022:
– DFA Office ng Consular Affairs sa Aseana Business Park, Paranaque City
– CO NCR Central
– CO NCR Northeast
– CO NCR South
– CO NCR West
– CO Antipolo
– CO Angeles
– CO Baguio
– CO Dasmarinas
– CO Iloilo
– CO Lucena
– CO Malolos
– CO San Pablo
– TOPS Newport Mall
– TOPS Robinsons Las Pinas
– TOPS Robinsons San Pedro Laguna
– TOPS SM Manila
– TOPS SM Mall of Asia
– TOPS SM North Edsa

Nagtakda na rin ang DFA ng bagong schedule at lokasyon ng mga apektadong aplikante:

Maari namang maasistihan ng kagawaran ang mga aplikante na mayroong emergency concerns basta’t abot ito sa kapasidad ng onsite skeleton workforce.

TAGS: ConsularOffice, COVIDrestrictions, COVIDsurge, DFA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TOP, ConsularOffice, COVIDrestrictions, COVIDsurge, DFA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TOP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.