Maging ang Philippine National Police (PNP), hindi nakatakas sa epekto ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Base sa datos hanggang January 10, umabot na sa 43,603 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa pambansang pulisya, kung saan 1,884 ang aktibo.
Makikita sa napapaulat na daily cases sa naturang hanay ang pagtaas ng bilang.
“Thankfully, many of the covid cases among our police personnel developed mild symptoms which will only need home or facility isolation,” pahayag ni PNP Chief General Dionardo Carlos.
Gayunman, tiniyak ni Carlos na tuloy pa rin ang pagtugon ng PNP sa tungkulin sa bayan.
“We have our deployment strategy that in case a member of the police unit will be isolated, those who are not in contact with him/her will take over. Of course, swab testing is a regular thing for us,” saad ni Carlos, na tinamaan din ng nakahahawang sakit.
Magpapatuloy pa rin ang trabaho sa mga tauhan na asymptomatic at kayang magampanan ang tungkulin sa bahay man o sa loob ng isolation facility.
Paalala ng hepe ng PNP, ipanatili ang malusog na pangangatawan bilang panlaban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.