Moreno, hinimok ang publiko na dumulog lamang sa kaniya kung nangangailangan ng gamot vs COVID-19

By Chona Yu January 10, 2022 - 01:33 PM

Manila PIO photo

Hinihimok ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na dumulog lamang sa kanyang tanggapan kung nangangailangan ng gamot kontra COVID-19.

Ayon kay Moreno, may sapat na suplay ang lungsod ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir.

“Sa ating mga kababayan na naghahanap ng gamot, welcome po kayo sa Maynila. Ang importante, mabuhay yung tao, mailigtas yung tao, kahit sino pa siya. Sa Maynila, walang mayaman, walang middle class, walang mahirap. Lahat pantay-pantay. They can avail these medicines. Basta mabuhay lang yung tao,” pahayag ni Moreno.

Kahit hindi aniya residente ng Maynila ay maaring makahingi ng gamot.

Ang Molnupiravir ay ang unang oral antiviral drug na nakatutulong para Malabanan ang COVID-19 ng 50 porsyento.

Una nang bumili ang Maynila ng 40,000 na capsules ng Molnupiravir.

Sa buwan ng Enero, inaasahang darating sa Manila ang dagdag na suplay ng Molnupiravir.

“All they have to do is coordinate sa ating Manila Health Department or dun sa mga pinopost naming numero, tawagan lang nila at idedeliver natin at i-eextend natin yung mga gamot laban sa Covid-19. Reseta lang talaga kailangan. Kasi we could not dispense without the prescription,” pahayag ni Moreno.

TAGS: baricitinib, COVIDmedicine, IskoMoreno, Molnupiravir, Remdesivir, Tocilizumab, baricitinib, COVIDmedicine, IskoMoreno, Molnupiravir, Remdesivir, Tocilizumab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.