Ex-AFP Chief of Staff Lisandro Abadia pumanaw na
Inanunsiyo ng Armed Forces of the Philippines ang pagpanaw ni dating AFP Chief of Staff Lisandro Abadia.
Sinabi ni AFP spokesman, Col. Ramon Zagala na pinamunuan ni Abadia ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula Abril 1991 hanggang Abril 1994.
“He (Abadia) paved the way for the professionalization of the military and the return of meritocracy in its promotion system,” aniya.
Dagdag pa nito, pinamunaun din ni Abadia ang pagpapatupad ng Campaign Plan Lambat Bitag na naging daan para humina ang puwersa ng New People’s Army (NPA).
Ayon pa sa opisyal, inihahanda na ang ibibigay na kinauukulang military honors para kay Abadia bilang pagkilala sa kanyang legasiya bilang sundalo at pinuno ng kanilang puwersa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.