25-taon na prangkisa ng Maynilad at Manila Water, nilagdaan ni Pangulong Duterte
Matapos ang matinding galit, nilagdaan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na nagbibigay ng 25-taong prangkisa sa Maynilad at Manila Water.
Sa ilalim ng Republic Act Number 11600, pinapayagan ang Maynilad na maipagpatuloy ang operasyon ng waterwork system at sewage at sanitation services sa west zone service area ng Metro Manila at Cavite province.
Nakasaad naman sa Republic Act Number 11601 na pinapayagan ang Manila Water na maipagpatuloy ang kanilang operasyon sa east zone service area at ng Rizal province.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang dalawang bagong batas noong Disyembre 10.
Matatandaang nagalit ng husto si Pangulong Duterte sa Maynilad at Manila Water nang kapusin ng suplay ng tubig ang Metro Manila may dalawang taon na ang nakararaan.
Nagbanta pa noon ang Pangulo na kukunin ng gobyerno ang pangangasiwa sa dalawang kompanya kung hindi aayusin ang serbisyo sa publiko.
Sinabi pa ng Pangulo na ipakukulong niya at kakasuhan ng economic plunder ang may-ari ng manila Water na si Enrique Razon Jr. at Manuel Pangilinan na may-ari ng Maynilad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.