P8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Misamis Oriental
Aabot sa P8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Ayon kay Attorney Elvira Cruz, District Collector sa Cagayan de Oro, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Intelligence Group na mayroong nakaimbak na sigarilyo na walang kaukulang dokumento.
Nabatid na naka-consign ang kargamento sa isang Ceri Rey Viola.
Galing China ang kargamento at ideneklarang mga furniture.
Pero nang suriin ng BOC, tumambad sa kanila ang kahong-kahon ng sigarilyo na mayroong brand na “Titan.”
Sasampahan ng BOC ng kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang may-ari ng kargamento na si Viola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.