Pagpapadala ng PCG ng relief goods, critical supplies sa mga nasalanta ng bagyong Odette tuloy pa rin
Wala pa ring patid ang paghahatid ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mga ayuda sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Sa datos hanggang Biyernes, January 7, umabot na sa 1,218.4 na tonelada ng relief goods ang naibiyahe ng PCG vessels at air assets.
Napadala na rin ng PCGA aircraft at private vessels ang 593.5 na tonelada ng iba’t ibang suplay.
Dahil dito, pumalo na sa 1,811.9 na tonelada ng relief goods at critical supplies ang naibiyahe ng ahensya para sa rehabilitasyon ng iba’t ibang probinsya.
Katuwang ng ahensya sa pamamahagi ng mga ayuda ang iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.